Showing posts with label travel. Show all posts
Showing posts with label travel. Show all posts

February 13, 2010

15th PIHABF

Alas kwatro y medya ng umaga nang makarating kami sa Clark sa Angeles, Pampanga. Malamig. Inagahan namin kasi may nakapagsabi na mahaba daw ang pila at aabot ng isang oras. Walang pila. Sa isip ko, sana natulog pa ko. Pero dumadami na din ang mga dumadating.

Ayos naman kasi pagkabili namin ng tiket, nakapuwesto kami sa tabi ng bakod. Wala pa nga kasi masyadong tao di ba? Pero malas din kasi medyo nagkaron ng delay sa pagaayos yung mga lobo. 5:30am dapat ang simula ng mga take-off pero alas-sais na nung lumabas ang mga lobo at hinanginan. O mali lang ako ng intindi sa schedule. Minsan kasi sa sobrang excited eh nagkakamali ako ng intindi. (minsan lang?) Ayos lang kasi madilim pa naman. Mahirap magpiktyur pag madilim.

Maya-maya ng konti, napuno din ng tao yung tabi ng bakod. Tipong pag nalingat ka eh mawawalan ka na ng puwesto, kaya talagang di na kami tuminag sa lugar na kinatayuan namin. Mahirap na. Baka kami mawalan ng litrato. Kumapal kasi talaga ang umpok ng mga tao sa paligid.

Nag-papalobo pa lang sila ng mga higanteng lobo pero pitik na ng pitik mga kasama ko. Kunsabagay, maganda din pala pitikan yung mga nagpapalobo kaya nakipitik na din ako kahit madilim pa. Inaabangan ko na lang na may umapoy. Eh malimit yung inaabangan ko ayaw magpa-apoy. Kaya lilipat ako ng tutok dun sa umaapoy pa. Kaso pag nakatutok na ko, tigil na yung apoy nya. Yung kaninang inaabangan ko ang nagpaapoy! Buset di ko nakunan.

Pagkagat ng liwanag (nangangagat ba talaga ang liwanag?) pinatugtog na ang Lupang Hinirang at meron pang mga tumalon galling sa himpapawid na nakaparachute (para cute?). Yung isa may dala-dala pang bandera (flag! Hindi yung tabloid!) ng Pilipinas. Pitikan uli.

Di ko namamalayan, madami nang mga lobo ang nakatayo na at isa-isa na silang lumilipad. Aaaaaah! Alin ba pipitikan ko? Halos sabay sabay kasi nagliparan eh di naman sila magkasya lahat sa frame eh.
Wala na kami pansinan. Galit galit muna. Pitik lang ng pitik.
Nang maubos na silang lahat, napansin ko wala na pala akong kasama. Naglamiyerda na pala silang lahat. Kaya lumakad lakad na din ako na parang nawawalang bata sa mall. Nangingilid na ang luha ko nung may matanaw akong pamilyar na mukha. Si BosMyk! Hay salamat at nagkita kami at sabay naming hinanap ang iba pa naming kasama.

Sa banding huli ay nagkitakita din naman kaming lahat. Tapos naghiwalay din naman kami kasi sasamahan ko pa si BosMyk at sila naman ay papasok na sa opisina. Bakit pa kami naghanapan? Wala lang.

Paguwe, syempre excited ako makita mga litrato sa malaking screen. Di kasi ako na-impress nung sa lcd pa lang ni Danica nakadisplay eh. Parang, ‘just another hot air balloon photo” kasi.

Nung malipat na sa laptop, dalidali kong binuksan ang preview. Lalo akong nadismaya! AAARrrgggHhh!! May dume ang mga litrato! Nung una akala ko dume lang sa screen ng laptop. Kinuskos ko. Andun pa din. Baka naman sira pixels ng screen, inenlarge ko. Sumasabay! Nasa litrato nga!
Kaya inisip ko dume sa lens. Pero di na kasi dapat makikita sa litrato kung dume ng lens yun eh. Pero binuklat ko pa din ang lens, pati filter. Malinis naman. May smudge sa filter pero hindi ganun yung itsura ng dume sa litrato. Tinesting ko sa dingding. Wala naman sa lcd. Tingnan ko sa computer, meron. Waaaah! Ano to-its??
Ayun nasa sensor pala. Binugahan ko ng hininga. Ay teka mali pala yan. Binugahan ko ng blower at winalis ng brush. Testing. Wala na yata.
Kainis! Next year na lang uli ako babalik sa 15th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta.

fish to the world,

December 9, 2009

CBU!


Sa labas ng cathedral, maraming mga matatandang babae na may dala dalang mga kandila. Akala ko nagtitinda lang ng kandila, pero yun pala, pag bumili ka ng kandila sa kanila, pwede din na pag sinindihan yung kandila, sila na mismo ang magdasal para sa yo. May mga drum na pinaglalagyan yung kandila para habang nakasindi, nagdadasal sila with matching dance dance pa.

Madami ding mga nagtitinda ng mga religious items kagaya ng scapular, rosary beads, bracelets, etcetera etcetera

Sa Cebu Cathedral, madaming mga halaman sa labas. parang mini-park.

Lumayo pa kami at napadpad sa Dumanjog para habulin sana ang sunset. Kaso mali! Nasa kabila pala ang sunset at moonrise ang inabutan namin... Madilim na ng kunan ko ito kaya nakabukas na mga ilaw sa tabi ng dagat.

Sa Mantayupan Falls ito. Medyo madulas dahil may mga lumot sa bato.

May baby unggoy kasama yung nanay nya dun na naka-kadena. Siguro dun na pinanganak ito.





fish to the world,

December 6, 2009

Cebu!

nagkaron na naman ako ng pagkakataon na makabalik sa cebu at nagpractice na naman akong maging isang turista...

una nagpunta kami sa cebu cathedral (yata). napansin ko lang mas maayos ang simbahan dito kesa sa mga simbahan sa luzon kasi konti lang makikitang mga karatula or banners.

sa mga bangketa, maraming gitara.


di ko matandaan kung anong name ng simbahan na ito pero madaming mga lalagyan ng kandila tapos dinadasalan.

sa di kalayuan, nakita ko si manong. wala lang basta pinindot ko lang yung camera. nung pinost ko sa fb ito, dami naghakahaka kung ano ginagawa nya.

si lola naman, nung time na yan merong pinagdadasal. kasi nagbebenta sya ng mga kandila dun sa simbahan tapos may libre kang dasal.

marami din mga religious items na binebenta dun sa labas ng mga simbahan.

tapos medyo lumabas na kami ng city. madami pa kasing libreng oras. dapat sa kawasan falls kami pupunta pero naligaw kami. kaya dito kami napadpad. this is mantayupan falls, one of the tallest falls in cebu.
its nice having sidetrips on business trips... hehe


fish to the world,

September 13, 2009

Chinelas






fish to the world,

August 21, 2009

Mga Larawan


Sa pagmamadali ng paglalakad, muntik na ko maiwan ng eroplano. Kaya kaunti lang ang nakunan.






















fish to the world,

September 27, 2008

Ano Daw??

Galing lang ako kanina sa HongKong di ko naintindihan to. Baka naintindihan nyo paki-isplika naman.




Iklik mo ung litrato para lumaki.

Hehe jowk lang. Padala lang ng kapatid ko yan mga litratong yan.




fish to the world,

August 3, 2008

Byahe Ulit

Nung sang linggo kinati na naman ako at nagmaneho na naman ng walang patutunguhan. Ayun inabot kami dito...

Kung pamilyar senyo yan eh malamang na nakapunta na din kayo dyan.

Heto pa...



Naku naman di mo pa din alam kung san? Eto pa baka mas pamilyar sa yo to...


Tingnan mo na lang dito para di ka maligaw....

Bulaga!!!




fish to the world,

July 23, 2008

ATM!

kakaiba din tong nakita ko sa cebu. haytek!

pero sana meron din silang "ATM" card...


fish to the world,