nagkayayaan kami ni
therenz kagabi na magpichurpichuran sa
qc circle. sa kamalasan eh medyo matrapik sa balintawak dahil sa ginagawang
mrt, nag-
detour pa kami sa
walter-mart dyan sa may munoz dahil sa
tripod na pagkatagal tagal dahil napakahaba ng pila, ginutom na tuloy kami kaya kelangan chumibug muna etsetera etsetera. kaya sa madaling salita, pasado alas nueve na kami nakarating sa aming destinasyon.
dami pang sinabe may madaling salita naman pala. -oo nga eh, pasakalye pa lang yan.
inayos na ang mga
tripod at
camera, at nagsimula na kami magpipipindotpindotan. ibat-ibang pusisyon ang ginawa namin na kung minsan eh kandahirap na sa kakabaluktot kala mo naman mga marurunong magpipipichur eh mga mukhang nagpapakyut lang naman.
habang nagkakasarapan sa pamimindot eh nagkahiwalay na kami ng pwesto. kala mo naman mga siryus na propeshunal eh panay sablay naman mga kuha. nagulat na lang ako ng may dalawang lalakeng biglang nasa likod ko na. mga sikyu ng kyusi
circle pala.
"para san po yan?" tanong nung isang nakabarong. malamang bisor nila yun.
"eh nagprapraktis lang po. nagaaral magpichur" buong galang kong sagot. pinakita ko pa ang mga nakunan ko para maniwala silang bago lang ako. halatang halata naman dahil gabi na nga at kokonti ilaw eh nao
overexpose pa mga kuha.
"bawal po ba?" buong galang ko namang tinanong yung mga sikyu ng kyusi
circle. kung anu-ano naman ang mga pinagsasasabi na di naman daw bawal pero dapat daw eh nagpapaalam muna bago magkukuha ng mga litrato dun. ayun naman pala eh. turo din sila ng turo kung san dapat magpaalam at kumuha ng permit pero yung tinuturo nila eh napakadilim naman. eh sabi ko na lang
"ah ganun po ba? di po kasi namin alam na kelangan ng permit pa para kumuha ng litrato dito." tapos paulit ulit na naman ang mga sinasabi kaya binigay ko na lang ang pangalan ko para ilista na nila dun. at matapos ang kulang kulang mga quinse minutos, sa wakas ay iniwan na nila kami, at pinagpatuloy na namin ang aming naantalang pindutan.


fish to the world,