Showing posts with label kulit. Show all posts
Showing posts with label kulit. Show all posts

February 27, 2009

Enkuentro (Ang Unang Tagpo)

nagkayayaan kami ni therenz kagabi na magpichurpichuran sa qc circle. sa kamalasan eh medyo matrapik sa balintawak dahil sa ginagawang mrt, nag-detour pa kami sa walter-mart dyan sa may munoz dahil sa tripod na pagkatagal tagal dahil napakahaba ng pila, ginutom na tuloy kami kaya kelangan chumibug muna etsetera etsetera. kaya sa madaling salita, pasado alas nueve na kami nakarating sa aming destinasyon. dami pang sinabe may madaling salita naman pala. -oo nga eh, pasakalye pa lang yan.

inayos na ang mga tripod at camera, at nagsimula na kami magpipipindotpindotan. ibat-ibang pusisyon ang ginawa namin na kung minsan eh kandahirap na sa kakabaluktot kala mo naman mga marurunong magpipipichur eh mga mukhang nagpapakyut lang naman.

habang nagkakasarapan sa pamimindot eh nagkahiwalay na kami ng pwesto. kala mo naman mga siryus na propeshunal eh panay sablay naman mga kuha. nagulat na lang ako ng may dalawang lalakeng biglang nasa likod ko na. mga sikyu ng kyusi circle pala.

"para san po yan?" tanong nung isang nakabarong. malamang bisor nila yun. "eh nagprapraktis lang po. nagaaral magpichur" buong galang kong sagot. pinakita ko pa ang mga nakunan ko para maniwala silang bago lang ako. halatang halata naman dahil gabi na nga at kokonti ilaw eh naooverexpose pa mga kuha. "bawal po ba?" buong galang ko namang tinanong yung mga sikyu ng kyusi circle. kung anu-ano naman ang mga pinagsasasabi na di naman daw bawal pero dapat daw eh nagpapaalam muna bago magkukuha ng mga litrato dun. ayun naman pala eh. turo din sila ng turo kung san dapat magpaalam at kumuha ng permit pero yung tinuturo nila eh napakadilim naman. eh sabi ko na lang "ah ganun po ba? di po kasi namin alam na kelangan ng permit pa para kumuha ng litrato dito." tapos paulit ulit na naman ang mga sinasabi kaya binigay ko na lang ang pangalan ko para ilista na nila dun. at matapos ang kulang kulang mga quinse minutos, sa wakas ay iniwan na nila kami, at pinagpatuloy na namin ang aming naantalang pindutan.























































fish to the world,

September 27, 2008

Ano Daw??

Galing lang ako kanina sa HongKong di ko naintindihan to. Baka naintindihan nyo paki-isplika naman.




Iklik mo ung litrato para lumaki.

Hehe jowk lang. Padala lang ng kapatid ko yan mga litratong yan.




fish to the world,

July 16, 2008

Seeing Eye Man



Baliktad na yata mundo ngayon. Natapatan ko lang nung isang umaga sa harap ng CCP


fish to the world,

May 10, 2008

Spongebob Patay Na?

Sobrang init kasi kaya natuyo si Spongebob na nakita na lang na nakahandusay sa isang gilid ng kalsada malapit sa Bikini Bottom dyan sa may Harrison.



Salamat Rainier sa litratong to.




Ilog ng Panaginip

"Even though I know the river is wide
I walk down every evening and stand on the shore
I try to cross to the opposite side
So I can finally find what I've been looking for
"

-Billy Joel, The River of Dreams (1993)


Di ba minsan parang may hinahanap ka pero di mo alam kung ano yun? Basta parang feeling mo eh may kulang, hindi kumpleto. Kaya kung san san ka napapadpad. Kung anu-ano ang mga sinusubukan. Minsan nagiging masaya, pero madalas nangangapa ka, minsan nadadapa. Tapos yung hinahanap mo eh nasa ulo mo lang naman pala. Nakapatong lang pala yung salamin mo sa ulo mo eh. Yan tuloy nadapa ka pa. Tsk.