February 22, 2009

Danica

Bandang alas cinco ng hapon nung matanggap ko ang text nya. "D2 n me s ofc nyo sir". Di na ko mapakali sa pagkakaupo ko sa meeting. Matagal tagal na din kasi akong nananabik sa kanya. Kaya di nagtagal ay di na din ako nakatiis at dali-daling humangos upang makita na sya.

Inabutan ko syang nakaupo sa lamesa ko. Nababalot sa makulay na saplot. Di ako makahinga. Di na ko makatiis. Marahas ko syang hinubaran.

Lahat ng tao sa opisina ay nakatitig sa amin. Di na ko nahiya. Alam nila kung gano katagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Alam nila kung gaano ako nanabik sa pagdating ni Danica.

Napakaganda nyang tingnan nung mahubaran ko na sya nang tuluyan. Binuhat ko sya at hinaplos ang buong katawan. Unti-unti kong pinagmasdan ang kabuuan nya. Inamoy amoy ko pa sya. Inilapit ko sya sa aking mukha upang tingnan ang kalooban. At nang pindutin ko sya....

AAAAAAAAAAARRGGGHH!!! WALANG MEMORY CARD!!!

Nabitin ako haha!


















Dinogie si Danica wahaha!
-Danica is The Nikon D40

Para sa karagdagang mga larawan, pumunta lang sa Multiply ko.



fish to the world,

2 comments:

  1. dapat nagtanong ka muna sa 'kin. me hexperience na 'ko sa mga katulad ni Danica. kelangan ngang bumili ng memory card separately. kung makita mo lang din si gbulags habang nilalaro ko ang aking...camera...tulo laway niya...hahaha...

    elly

    ReplyDelete
  2. wahaha tulo laway na nagpapawis pa noo (eh hangang saan na ba noo ni gbulags?)
    dito kasi sa atin pag bumili ka usually naka package na with memory card & bag. i assumed lang na meron na ahuhuhu

    ReplyDelete