Showing posts with label serious. Show all posts
Showing posts with label serious. Show all posts

October 20, 2009

Pagkalipas ng unos

Matagal na naman ako nahimlay. Napakadami kasing mga kaganapan ang nangyare sa mga nakalipas na buwan. Dumaan kasi ang kambal na kalamidad na sina Ondoy at Pepeng. Sobrang dami ang perwisyo na dala nung dalawang yun. Bukod sa mga buhay na binawi, madami ding mga binawing mga ariarian, pananim, at iba pang mga bagay. Buti na lang di nya nakuha betlog ko.
Pero kung may mga kinuha, madaming putik at basura din ang ibinalik ni Mother Nature sa tao.
Eto na ba yung sinasabi dati na "ang basurang itinapon mo, babalik din sa yo?"
Ibig sabihin ba nito yung mga mas binaha mas madaming itinapon? Hay, I digress. Hindi naman ito ang punto ng sinusulat ko. Pero actually, di ko pa din alam kung ano punto nito talaga. Nagababakasakali lang ako na may maisip ako bigla. Ganun kasi ako ka-creative. Kaya sobrang madalang ako mag post ng blog LOL!
Ikukuwento ko lang naman ang mga pangyayaring naganap sa akin pagkatapos manalanta nung kambal na delubyo.
Lunes pagkatapos ng baha/bagyong Ondoy, may advise ang security na lumubog nga ang planta at madaming mga kagamitan ang nabasa. Kaya kami ay nagkaron ng emergency meeting sa isang gas station sa NLEX. Dun pinagusapan kung ano ang mga kailangang gawin upang madaling makabalik sa normal na operations ang planta. Nung matapos, tumuloy na kami sa planta, expecting the worst sight.
Pero bago ako nagpunta sa planta, dumaan muna ko sa apartment na tinutuluyan ko. Hayun puno ng putik. Ewww...di ko natagalan kaya iniwan ko na agad.
Sa planta, at first glance, talagang nanglambot ako. May mga punong natumba, pati yung pader sa gilid laglag. Yung lamesa ng security guard tinangay sa labas. Pagpasok ko sa opisina ko, ang mga gamit eh nagkagulo. Merong mga nasa sahig na di naman dapat andun. Madilim, (dahil walang kuryente pa hello) mabaho, kulay burak lahat ng makikita.
Muntik na ko maluha nung makita ko si Maxine, yung kotse ko, iniwan ko sa planta kasi. Isa sya sa mga lumubog ng buo sa baha. Antena na lang daw ang makikita sa kanya nung lumubog ang Bulacan. Di ko naatim na kunan pa ng litrato at napakasaklap nun at ayoko nang makita muli ang itsura nyang ganun. Buti na lang at na-drain na ang baterya nya, kaya buo pa ang computer box whew!
Nung Martes, nagsimula na kaming maglinis. Kita mo sa mga mukha ng empleyado ang lungkot. Lalo na yung mga kasamahan naming nalubog din ang bahay. Bilib din ako sa mga yun. Yung mga bahay nila nalubog pero andun sa planta naglilinis. At dun nakita namin na madami pa din naman ang mga gamit na buo pa. Pati mga kalooban ng mga empleyado namin buong buo pa. Determinadong patakbuhin muli ang planta sa pinakamabilis na panahon. Tulong tulong ang lahat. Lahat pantay pantay. May mga nagdala ng pagkain, relief goods, old clothes para sa mga naglilinis at pati na rin sa mga nasalanta naming empleyado. Kanya kanya na ding dala ng mga pang linis. Ganito din siguro ang nangyari sa iba nating mga kababayan na nasalanta din pero nagbigay pa din ng madaming tulong sa mga nawalan talaga ng mga bahay.


nakangiti pa di ba?


Dustpan pangsalok sa tubig


Pagbibilad ng mga cheke


sa canteen habang naghihintay ng tanghalian


pumoposing pa nga eh


yan ang smile



pila sa relief goods. notice the waterline?



packing the goods for distribution


that's the spirit!




meeting na para sa benta


Sa ngayon, normal na operations namin, except for the occasional nawawalang mga files. Mabuhay ang bayanihan spirit!!!


fish to the world,

May 29, 2008

Pasukan Na Naman!



matrikula. libro. notbuk. lapis. papel. bolpen. gunting. glue. plastic cover. ruler. disket.
oo mga kapatid. panahon na naman ng gastos. parang kailan lang namumrublema ko sa mga subjects na ieenrol ko tsaka kung anong schedule ang mas madaming magandang tsiks. ngayon, yung pambayad na sa iskwela yung pinoproblema ko.
pero bakit nga ba kelangan pumasok sa iskwela? naisip ko lang, parang pinagaaral tayo para maging mga trabahador sa mga kumpanya o sangay ng gubyerno na mangangailangan ng kaalaman na pinagaralan natin. kalimitan kasi ng mga kursong inaalok ng mga kolehiyo at unibersidad ay ganun ang patutunguhan. ang manilbihan sa iba. madalang yung mga kursong nagtuturo sa mga kabataan kung paano maging entreprenyur.

gayunpaman, mas mabuting isipin na ang mga iskwelahan eh di lang institusyon na nagsasanay ng mga alipin kundi mga haligi ng kalinangan na syang naglalalang ng mga kapakipakinabang na mga nilalang para sa bayan. *teka lang...nosebleed*

sa paaralan kasi unang natututunan ng mga kabataan ang pakikisalamuha sa iba't ibang mga uri ng mga tao, bukod sa mga kamaganak nya. sa pakikisalamuhang to natututunan ang pakikipagkapwa. kung pano makisama. ang magpakatao.

sa paaralan din kadalasan nagkakaron ng mga unang karanasan tungkol sa pagibig. mga panahon ng ligaya. hinagpis. dalamhati.

tama nga na gumagawa ng mga mabubuting manggagawa ang mga iskwelahan. ngunit ang mga manggagawang ito ay mga tao din na may puso't damdamin.


fish to the world,

wt#10