Showing posts with label Vitarich. Show all posts
Showing posts with label Vitarich. Show all posts

October 20, 2009

Pagkalipas ng unos

Matagal na naman ako nahimlay. Napakadami kasing mga kaganapan ang nangyare sa mga nakalipas na buwan. Dumaan kasi ang kambal na kalamidad na sina Ondoy at Pepeng. Sobrang dami ang perwisyo na dala nung dalawang yun. Bukod sa mga buhay na binawi, madami ding mga binawing mga ariarian, pananim, at iba pang mga bagay. Buti na lang di nya nakuha betlog ko.
Pero kung may mga kinuha, madaming putik at basura din ang ibinalik ni Mother Nature sa tao.
Eto na ba yung sinasabi dati na "ang basurang itinapon mo, babalik din sa yo?"
Ibig sabihin ba nito yung mga mas binaha mas madaming itinapon? Hay, I digress. Hindi naman ito ang punto ng sinusulat ko. Pero actually, di ko pa din alam kung ano punto nito talaga. Nagababakasakali lang ako na may maisip ako bigla. Ganun kasi ako ka-creative. Kaya sobrang madalang ako mag post ng blog LOL!
Ikukuwento ko lang naman ang mga pangyayaring naganap sa akin pagkatapos manalanta nung kambal na delubyo.
Lunes pagkatapos ng baha/bagyong Ondoy, may advise ang security na lumubog nga ang planta at madaming mga kagamitan ang nabasa. Kaya kami ay nagkaron ng emergency meeting sa isang gas station sa NLEX. Dun pinagusapan kung ano ang mga kailangang gawin upang madaling makabalik sa normal na operations ang planta. Nung matapos, tumuloy na kami sa planta, expecting the worst sight.
Pero bago ako nagpunta sa planta, dumaan muna ko sa apartment na tinutuluyan ko. Hayun puno ng putik. Ewww...di ko natagalan kaya iniwan ko na agad.
Sa planta, at first glance, talagang nanglambot ako. May mga punong natumba, pati yung pader sa gilid laglag. Yung lamesa ng security guard tinangay sa labas. Pagpasok ko sa opisina ko, ang mga gamit eh nagkagulo. Merong mga nasa sahig na di naman dapat andun. Madilim, (dahil walang kuryente pa hello) mabaho, kulay burak lahat ng makikita.
Muntik na ko maluha nung makita ko si Maxine, yung kotse ko, iniwan ko sa planta kasi. Isa sya sa mga lumubog ng buo sa baha. Antena na lang daw ang makikita sa kanya nung lumubog ang Bulacan. Di ko naatim na kunan pa ng litrato at napakasaklap nun at ayoko nang makita muli ang itsura nyang ganun. Buti na lang at na-drain na ang baterya nya, kaya buo pa ang computer box whew!
Nung Martes, nagsimula na kaming maglinis. Kita mo sa mga mukha ng empleyado ang lungkot. Lalo na yung mga kasamahan naming nalubog din ang bahay. Bilib din ako sa mga yun. Yung mga bahay nila nalubog pero andun sa planta naglilinis. At dun nakita namin na madami pa din naman ang mga gamit na buo pa. Pati mga kalooban ng mga empleyado namin buong buo pa. Determinadong patakbuhin muli ang planta sa pinakamabilis na panahon. Tulong tulong ang lahat. Lahat pantay pantay. May mga nagdala ng pagkain, relief goods, old clothes para sa mga naglilinis at pati na rin sa mga nasalanta naming empleyado. Kanya kanya na ding dala ng mga pang linis. Ganito din siguro ang nangyari sa iba nating mga kababayan na nasalanta din pero nagbigay pa din ng madaming tulong sa mga nawalan talaga ng mga bahay.


nakangiti pa di ba?


Dustpan pangsalok sa tubig


Pagbibilad ng mga cheke


sa canteen habang naghihintay ng tanghalian


pumoposing pa nga eh


yan ang smile



pila sa relief goods. notice the waterline?



packing the goods for distribution


that's the spirit!




meeting na para sa benta


Sa ngayon, normal na operations namin, except for the occasional nawawalang mga files. Mabuhay ang bayanihan spirit!!!


fish to the world,

May 21, 2008

Masokista Ako

Training is for life
If you believe that your training is finished,

you may be trained but you are finished.

- Elliott Masie

sarisaring pagpapahirap na naman sa katawan ang mga ginawa namin dalawang linggo na ang nakaraan. pero ibang lugar naman ngayon tsaka ibang mga tao na naman. pangatlong timbilding na to na sinamahan ko. nagtataka na nga ang boss ko bakit daw ako laging kasama sa mga timbilding. sabi ko na lang magtatayo na kasi ako ng sarili kong timbilding na kumpanya. haha pero ang totoo nyan, masokista ako. gusto ko kasing pinapahirapan ang sarili ko. mas masarap kasi pag masakit eh. no pain no gain daw di ba?

Mahinhin ako no? Mga machupapa nasa likod git git aww!!

masaya yung mga ginagawa pag may timbilding. kelangan kasi muna magisip bago gawin yung mga pagpapasakit para maganda ang maging resulta. tsaka syempre di naman yun kadalasan ginagawa sa tunay na buhay kaya exciting, tapos may mga sesemplang, mahuhulog, madadapa, at susubsob pa ahaha. madalas kasi yung mga tao, dahil araw araw halos parepareho na lang ang mga ginagawa, maghapong nakatitig sa computer, nakaupo lang, halos nagiging parang robot na lang. kaw na ang pagapangin sa putikan aber? di bat magiisip ka talaga ng mga paraan para di ka maputikan? eh talagang may batas ang kalikasan sa mga madadaya. ginagawan talaga ng paraan. kaya kahit akala mo eh nakaligtas na ang damit mo sa putik, pagdating sa dulo, madadapa ka naman. ayan tuloy lumubog pati mukha mo sa nakakadiring putik ahaha.
para sa iba pang larawan pindutinmokodito.




fish to the world,

May 12, 2008

Pang-gay-shoes

Isda inda news.

fish to the world,

April 13, 2008

Ka-Blag!

Wala akong maisip na isulat pa dito. Blogger's block daw tawag sa ganito e. Feeling ko naman blogger talaga ako eh no? Masyado pa siguro akong masaya para mag-isip. (Tita Rubz, secret natin yan ha? Teka mali, dapat yata nilakihan ko to.)

Itong nakaraang linggo, nagtungo na naman ako sa Camp Allen sa Laguna para sa timbilding naman ng mga kasamahan natin sa Vitarich. Naimbitahan ako dito (actually, nagpaimbita ako) para tumulong sa mga activities. Galing kasi kami ng Gromax dito nung Pebrero at natuwa ako sa mga ginagawa dito. Eto mga litrato namin nun. Andame nyan. Wag mo na pagaksayahan ng panahon at di ka naman matutuwa.

Halos ganun din ang mga ginawa pero ang masaya dito eh kasama ang mga Mancom. At kinawawa sila. Kulelat sila sa low ropes. Expected na yun kasi mahihina na mga butobuto. Pero lahat sila tumalon. Umakyat sa pader. Pati sa mid-events. Slide For Life at nag-rapel din. Ang mas masaya, lahat ng Mancom eh pinagblindfold sa Walk To Remember... Pinaglakad, pinadaan sa mga malalaking bato, inuntog sa mga tubo (Arthur, nagsorry ka na ba?), pinalakad sa inuugang tulay, pinagapang sa ilalim ng mga gulong na madaming langgam, at pinalukso sa isang mataas na platform. Lahat yan habang nakapiring ang mata. Sa mga mancom, pasensya na, nag-suggest lang naman ako. Disiyon pa din ng HR Mgr yun. Haha laglagan na to! (Sayang at walang putikan.) Ang ibang mga litrato makikita dito. Pero sa cam ko pa lang yan. Dami pang mga litrato sa cam ng iba. Pero wag mo na ring pagaksayahan ng panahon at lalong madaming litrato yan.

Siguro ay talagang napakaalinsangan ng panahon kaya naman medyo mababa ang energy level ngayon kesa nung Pebrero, pero ganumpaman, natuwa pa rin at nasiyahan ng husto ang mga kasali sa aktibidad na to.

Paminsan minsan, maganda talaga ang may mga gawaing ganito dahil kadalasan eh sa sobrang toxic ng trabaho, stress sa opisina, dumadating sa punto na nagkakaroon na ng work-fatigue. Sa mga ganitong pagkakataon, nagkakaroon din ng mga renewal ng pagkakaibigan at ang mga sama ng loob ay napaguusapan. Nagkakaroon din ng pagkakataon na magkaroon ng unawaan ang ibat-ibang sektor ng lipunan at lalong nagkakakilala ang mga tao sa paligid-ligid. Sa mga kasamahan natin sa trabaho, nawa'y nasiyahan kayo, nagkaroon ng panibagong sigla at higit sa lahat, mas lalong lumalim ang pagkaunawa sa katagang "TEAMWORK". Together, Everyone Achieves More...