Wala akong maisip na isulat pa dito. Blogger's block daw tawag sa ganito e. Feeling ko naman blogger talaga ako eh no? Masyado pa siguro akong masaya para mag-isip. (Tita Rubz, secret natin yan ha? Teka mali, dapat yata nilakihan ko to.)
Itong nakaraang linggo, nagtungo na naman ako sa Camp Allen sa Laguna para sa timbilding naman ng mga kasamahan natin sa Vitarich. Naimbitahan ako dito (actually, nagpaimbita ako) para tumulong sa mga activities. Galing kasi kami ng Gromax dito nung Pebrero at natuwa ako sa mga ginagawa dito. Eto mga litrato namin nun. Andame nyan. Wag mo na pagaksayahan ng panahon at di ka naman matutuwa.
Halos ganun din ang mga ginawa pero ang masaya dito eh kasama ang mga Mancom. At kinawawa sila. Kulelat sila sa low ropes. Expected na yun kasi mahihina na mga butobuto. Pero lahat sila tumalon. Umakyat sa pader. Pati sa mid-events. Slide For Life at nag-rapel din. Ang mas masaya, lahat ng Mancom eh pinagblindfold sa Walk To Remember... Pinaglakad, pinadaan sa mga malalaking bato, inuntog sa mga tubo (Arthur, nagsorry ka na ba?), pinalakad sa inuugang tulay, pinagapang sa ilalim ng mga gulong na madaming langgam, at pinalukso sa isang mataas na platform. Lahat yan habang nakapiring ang mata. Sa mga mancom, pasensya na, nag-suggest lang naman ako. Disiyon pa din ng HR Mgr yun. Haha laglagan na to! (Sayang at walang putikan.) Ang ibang mga litrato makikita dito. Pero sa cam ko pa lang yan. Dami pang mga litrato sa cam ng iba. Pero wag mo na ring pagaksayahan ng panahon at lalong madaming litrato yan.
Siguro ay talagang napakaalinsangan ng panahon kaya naman medyo mababa ang energy level ngayon kesa nung Pebrero, pero ganumpaman, natuwa pa rin at nasiyahan ng husto ang mga kasali sa aktibidad na to.
Paminsan minsan, maganda talaga ang may mga gawaing ganito dahil kadalasan eh sa sobrang toxic ng trabaho, stress sa opisina, dumadating sa punto na nagkakaroon na ng work-fatigue. Sa mga ganitong pagkakataon, nagkakaroon din ng mga renewal ng pagkakaibigan at ang mga sama ng loob ay napaguusapan. Nagkakaroon din ng pagkakataon na magkaroon ng unawaan ang ibat-ibang sektor ng lipunan at lalong nagkakakilala ang mga tao sa paligid-ligid. Sa mga kasamahan natin sa trabaho, nawa'y nasiyahan kayo, nagkaroon ng panibagong sigla at higit sa lahat, mas lalong lumalim ang pagkaunawa sa katagang "TEAMWORK". Together, Everyone Achieves More...
Laglagan na to!
ReplyDeleteMasaya ang teambuilding na to! :)
nauna ka manglaglag eh haha red&black game ito!
ReplyDelete