



di mo magagawa yan pag may kasama ka.
dahil ako ay may pagka ADHD, kailangang may binubutinting ako palagi. naiinip ako pag hindi gumagana ang utak ko. kaya tuwang tuwa ako nung nagbigay ng super quiz si deb. aba eh isang linggo ko yatang tinaktak ang utak ko dun ah. pero may kulang pa ko isa dun na di nasasagutan. deb ano ba yung "4 T S of a P"? pero ayos na yun. genius na ko eh.
isa pang pinagtritripan ko pag nasa byahe ako eh yung mga jologs na kanta. aba syempre mega singalong naman ako dun. paulit ulit pa. di naman ako nahihiya sa sarili ko kung sintunado eh kaya ayos lang. pero nakakahiya nung nakalimutan kong magsara ng bintana tapos may magandang tsiks na natabihan sa trapik. nakabukas din bintana nya. lakas pa naman ng singalong ko dun sa pinooy ikaw ay pinooy...ipakita sa mundooo kung ano ang kaya mooo... tsk tsk wa pois ah. labas litid talaga. di bale, pangit naman bf nya kaya mas nakakahiya sya.
marami ka talagang magagawa sa byahe pag ikaw lang mag-isa. pero syempre mas masaya naman pag may kasama kang iba. sinubukan ko na kasi dati kausapin sarili ko eh tinawanan lang ako. yoko na uli yun gawin, napapahiya lang ako.
fish to the world,

WT#8
too bad, di pwedeng i-disclose ang answer. anyway, genius level na naman yung 39 points. :)
ReplyDeletegagawa na lang ako ng bago. baka gusto mo magcontribute ng mga questions, para makabawi ka sa ibang mabibiktima natin sa quiz na yun, k?
sows naman madam! hehe
ReplyDelete