April 5, 2008

Siesta

Matagal-tagal ko na ding hindi nararanasan ang matulog sa tanghali. Naaalala ko nung mga maliliit na bata pa kami, lagi kaming pinapatulog sa tanghali kahit ayaw namin. Mas masarap kasi maglaro nun sa init ng araw kahit tanghaling tapat pa. Madalas nga eh pagkatapos kumain ng tanghalian, tatakas na kami ng kapatid ko at mangangapitbahay na para makipaglaro. Nagagalit ang nanay namin kasi mga mukha na kaming mga taong greasy dahil sa pawis at banil. Go home and plant camote on your skin! Exag di ba? Di naman pwedeng magtanim sa skin, sa libag lang pwede.

Fast forward tayo sa kasalukuyan. Ngayong nagtatarbaho na eh gusto ko mang matulog sa tanghali eh di ko naman magawa. Madaming nagkalat na email na paulit-ulit na dumadating sa kin tungkol sa kahalagahan ng pagidlip sa tanghali kahit na ilang minuto lang. Minsan eh gusto kong subukan pero kahit anong pilit ko di ko makayang matulog ng nakaupo. Malamang dahil nahihiya ako at baka tumulo ang laway ko at magbaha sa opisina. Tsaka pag natulog ako, baka di lang quinse minutos ang abutin nun, malamang uwian na pagkagising ko.

Kahapon, dahil na din sa init ng panahon at walang magawa, nakatulog ako pagkatapos mananghalian. Naisip ko tuloy, siguro dapat ang tulog ng tao eh sa tanghali na lang at hindi na sa gabi. Mas madami kasing masarap na gawin sa gabi kesa sa tanghali. Dahil mainit, nakakatamad talaga gumalaw sa tanghali, lalo na pag tumatagaktak na ang pawis mo sa kilikili. Nakakairita yun. Punas ka ng punas at maya-maya lang eh naglalagkit ka na, mukha ka nang taong greasy ulit.

Sa gabi kasi, kadalasan ay masarap ang panahon. Malamig ang simoy ng hangin. Kaysaya ng bawat damdamin. Ang tibok ng puso sa dibdib, para bang hulog na ng langit. Himig pasko.... HEP! HEP! HEP! Pasensya na napaawit ako. Madalas kasi na-ca-carry-over ako eh (may balak akong maging binibining unibersal). Parang gusto ko na tuloy magpasko ngayong summer para lumamig na.

Nung student pa ko, sa gabi ako nagrereview dahil tahimik at minsan eh naiintindihan ko mga binabasa ko. Gabi din kalimitan kung gumagawa kami ng mga projects sa school. Sa gabi lang naman kasi may panahon para gawin yun. May pasok sa umaga no?

Minsan naman, mas productive magtrabaho sa gabi. Lalo na pag ang lahat ng impormasyon na kelangan mo eh nakasave na lahat sa computer mo. Bukod sa walang ibang tao sa opisina na mangiistorbo sa yo na magpapalit ng barya, magpasama sa canteen, magkwento ng mga sentimyento at kung anu-ano pang pambabalahura, eh malaya kang gawin kung ano ang gusto mo. Pwede mong sigaw-sigawan ang computer mong ubod ng bagal, patugtugin ng malakas ang peke mong ipod, ikalat ang mga damit mo sa sahig at magtatatalon ka ng walang saplot sa katawan. Lahat yan pwedeng pwede mong gawin. Basta nasa bahay mo ikaw. Wag sa opisina, baka matapatan ka ng nagroroving na gwardya. Yari ka.

Inuman din kadalasan gabi ginagawa kasi kalimitan, habang lumalalim ang gabi at nalalasing ka, gumaganda na yung katabi mong GRO na pag nakita mo sa araw siguro eh malamang mawalan ka ng respeto sa sarili mo. Kaya talagang kailangan, gabi at lasing ka muna.

Nasubukan mo naman sigurong maglakad sa tabi ng dagat ng gabi di ba? Hindi bat nakakapagpagaan ng feeling? Lalo na pag meron kang iniisip na problema sa buhay, sa trabaho, at lalung-lalo na problema sa pagibig. Nakow! Sarap mag senti dun. Lalakad-lakad ka mag-isa na nababasa ang paa mo sa mga agos ng dagat, hawak hawak mo ang spartan mong sinelas, habang nakatingin sa malayo na para bang may hinahanap na di naman matanto kung ano yun. Wag ka nga lang sa Manila Bay maglalakad ha? Baka imbis na gumaan feeling mo eh magkasakit ka pa sa polusyon o masugatan pa ang puro kalyo mong talampakan sa mga basag na bote ng gin na pinaglagyan ng rugby. Ang mas masaklap, hulihin ka ng mga pulis at itapon sa mental hospital. Aba eh sa itsura mong yan eh talagang mapagkakamalan kang siraulo nyan.

At syempre, di malilimutan, pinakamasarap sa lahat ang makipaglabinglabing sa gabi. Ewan ko, pero pwede naman kahit anong oras yan eh. Pakiramdam ko lang, mas intense ang sensations pag sa gabi ginagawa. Pag sa araw kasi parang lagi nagmamadali kasi baka may makakita, kaya quickie lang. Tsaka sa araw, malamang di mo magagawa yung gusto mong gawin pag ang kasama mo eh yung GRO na katabi mo kagabe na gumanda lang nung nalasing ka na tsaka nawalan ng ilaw.

Dati kala ko tanga sya dahil sa araw natutulog. Pero ngayon narealize ko, matalino pala tong si Dracula.

3 comments:

  1. kakatawa/kakatuwa naman tong post mo.

    I agree sa karamihan ng mga points mo. lalo na yung sa bandang huli...

    yung tungkol kay dracula (kala mo tungkol sa labinglabing! dumi utak mo japs!)

    Buti nakasiesta ka! Buti wala tayo pasok!

    ReplyDelete
  2. hehe ganyan talaga pag walang pera. tulog na lang

    ReplyDelete
  3. Kelangan matulog ka ng tanghali. Kundi di ka lalake...

    Bagal naman mag dagdag sa blag...dali!

    ReplyDelete