March 21, 2008

Windows Vista Home Premium

Nagkaron ako ng pagkakataon na makagamit ng bagong operating system na ito ng windows. Maganda ang itsura at mga bagong features nito. Marami rami pa rin akong di naiintindihan pero halos lahat naman ng mga nakasanayan na sa windows xp ay narito pa naman, pinaganda pa lalo dahil madaming mga tasks na makikita sa menu ng xp ay ibinaba na sa file level, ibig sabihin, mas kaunti na ang pipindutin. Mas user-friendly, ika nga.
Maganda ang interface lalo na yung pag switch galing sa isang application papunta sa iba pang program na nakabukas. Sa xp, alt+tab. Pwede pa din ito sa vista, pero mas maganda kung win+tab. Hindi lang icons ang lumalabas kundi buong window ng program na nakabukas ang preview. At umiikot ang mga programs habang pinipindot mo ang tab. Astig!
Ngunit datapwat subalit. Mabigat ang operating system na ito. Malakas kumain ng memory. Ang nakalagay sa gamit kong computer ay 1.0gb ng RAM. Sa pang araw-araw kong gamit ay bitin ito. Apat na programs lang na nakabukas (Lotus Notes, Photoshop, YM at Firefox, di ko pa pinapaandar GoogleEarth nyan) ay kinakapos na sa memory. Lagi akong sinisigawan ng computer ko na magsara o magbawas ng nakabukas na program. Minimum requirement lang pala ang 1.0gb. Ang recommendation ay 2.0gb.
Ayos sana. Dadagdagan ko lang ng 1.0gb RAM. Pero hindi. Dalawa lang ang slots ng memory. Ang nakakabit ay dalawa ding 512mb. WTF! Dalawang 1.0gb ang kelangan. At ang nakalagay na 2x512mb ay wala nang pag-gagamitan. Sayang ang lobo. Sana ice cream na lang. Nabusog pa ako.
Matulin na ang 1gb sa xp. Mas sanay pa ako dun.
Babalik ako sa xp. Sa ngayon. Pero babalik pa ako sa vista. Mas maganda talaga.

2 comments:

  1. HEHEHE!

    Welcome to the blogging world!

    Ako, ayoko ng Windows, kahit kelan.
    Napipilitan lang ako.

    Naaalala ko pa nung Wordstar at Lotus 1-2-3 (WYSIWYG) pa ang gamit ko. Mas madali. hehehehe :)

    BTW, mas maganda ang blogging platform ng wordpress kesa sa blogspot, kaya nagmigrate ako dun. Pero mine-maintain ko pa rin ang mga blogger blogs ko.

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng blog. ha ha ha. pilipino pa ang pagkasulat. Dapat ang pamagat.

    "Walang Patutunguhang Pagmumuni muni ng Isdang Nakawala sa Tubig"

    ReplyDelete