March 27, 2008

Huli Ka!

MANILA, Philippines 8:12 AM March 27, 2008 -- Habang papauwe galing sa Bulacan, bandang alas nueve treinta y sais kagabi lamang, isang kotse ng pulis ang tumabi sa akin habang nakahinto sa stop light sa may Quiapo. Sinenyasan ako ng pulis na tumabi sa gilid ng kalsada at sinabi sa akin na nilampasan ko daw ang red light sa naunang kanto.

Sa tinagal-tagal ng pagbibyahe ko sa lugar na yun, ngayon lang merong nanghuli dun sa stoplight na yun. Kasi yung traffic light na yun eh wala naman sumusunod talaga kahit red o green sya, derederecho lang ang takbo lagi dun. Naisip ko na natripan lang ako nung mga pulis Maynila na yun. At malamang eh wala silang mission order (MO) para manghuli ng mga traffic violations.

Di ko na tinangkang takasan dahil naka-patrol sila. Madali akong mahahabol at malamang eh lalo akong mapahamak. Di ko na din hinanapan ng MO. Pinatulan ko na din baka lalo pa magkaproblema. Pero dun ko itinigil yung sasakyan ko sa may malapit sa tigilan ng mga jeep para madaming tao.

Ang katangahang ginawa ko, dahil galing ako sa inuman kaya medyo tipsy ako, bumaba ako sa sasakyan nung kinuha lisensya ko at pinuntahan ko yung pulis sa sasakyan nila! Stooopeed Boi! Bute na lang at totoong mga pulis yung mga yun. Hay, kung hinde, malamang nasa kangkungan na ko ngayon.

Pinagsasabihan ako nung pulis na kesyo sila daw tumitigil dun pag red light, blah, blah, blah, sa may pier ko daw tutubusin yung lisensya ko, tinanong pa kung san ako umuuwi.... In short, obviously, nangongotong. Kasi naman naman naman... kung titikitan mo ko, tikitan mo na ko di ba?

Nakikipag-areglo na ko pero naiwan ko pala wallet ko sa kotse. Ang masaklap, ang laman ng wallet ko eh P1,000 na buo tsaka isang P20. Alangan naman ibigay ko yung sanlibo di ba? Nagkataon may isa pang P20 sa lalagyan ng barya. Pagbalik ko sa pulis patrol, sabi ko wala na pala ako pera. Na di pa sumusweldo. Nakita naman nila yung rehistro ng kotse kaya alam nila na company car yun. At inalaska pa ko ng mabaet na pulis na yun. Tinanong pa ko kung may pang gasolina pa daw ako hahaha. Sabe ko P40 na lang laman ng wallet ko talaga, ayun pinatos pa din ng mga buwaya, langya talaga haha. Nung inabot na yung lisensya ko, inabot ko na din yung P40, ok na daw yun kahit pang kape lang daw nila. WTF!!! Tinanong pa ko kung lagi daw ba ako dumadaan dun at sa susunod na mahuli nila ako eh .... ano nga ba sinabi? Di ko na narinig kasi nakuha ko na lisensya ko eh. Pero tanda ko binanggit nya pangalan ko pa. Parang tinandaan talaga.

Swerte pa din ako talaga at may nagbabantay sa kin. Bute quareinta pesos lang ang nawala sa kin. Thank You Po!

5 comments:

  1. Hehe! Ang cheap! P40 lang :)

    Btw, Pwede ba kapatid, ang i-link mo ay yung wordpress blogs ko :) Mas updated yun e.

    scrapbookingmommy.wordpress.com
    ramblingsofanoldcoot.wordpress.com

    ReplyDelete
  2. Salamat kapatid sa pag-link!!!

    ReplyDelete
  3. AnonymousJune 30, 2010

    hi, i read your blog entry! yung friend ko nakaexperience din ng pangongotong ng police, mismong sa police station.. nakuhaan sila ng 5k!

    the police caught them kissing in my friends car. they were asked to go to the police station.. at ang sabi idedemanda sila ng PUBLIC SCANDAL though di naman nila ginawa yung ACT itself, kissing naman.. nakipag-areglo yung kaibigan ko at tinanong kung ano bang pwede nilang gawin para hindi na lumaki at wala ng demandahan.. sabi ng isang police kausapin nya daw yung isa pang police, so kinausap nya.. at pinapasok sa isang room na parang kitchen daw.. at doon na naganap ng pangongotong.. at ang sabi ng police "hindi na namin ilalagay sa record yan, para di masira kinabukasan nyo pero sikreto na natin ito sa parents nyo ah."

    sa tingin mo, wala na talagang record un?

    ReplyDelete