March 25, 2008

Guilty Pleasures

May mga bagay na gusto ang iba-ibang tao na minsan ay nakakahiyang aminin. Kalimitan ay ginagawa lang ito kung alam nya na wala syang kakilalang makakakita sa kanya. Eto ang ilan sa mga kinabaliwan ko:

Mag-pipichur sa sarili habang nagddrive. Anong magagawa ko, vain ako eh! Pero binubura ko din agad sa phone o camera dahil sayang ang memory. Kagabi lang yang pic na yan...traffic sa coastal eh. Kung may FaceWarp kayo sa cellphone nyo mas masaya, kasi ako di ko na kelangan ng facewarp haha, try nyo din pag nababato na kayo sa byahe.

Pumasok sa mga appliance stores kahit wala naman akong bibilhin talaga. Gusto ko lang tumingin eh, bakit ba?? Malimit na puntahan ko yun mga portable entertainment section (mp3 players, portable tv, dvd, atbp.) tsaka camera. Nakakapang laway lang. Sa hardware section din nagpupunta ako para maghanap ng pwedeng gamitin para sa pagcustomize ng mga gamit para sa gadgets sa kotse.

Paning's Butong Pakwan. Yung itim. Kasi may nagsabi sa kin na may puti daw na butong pakwan! WTF! Yun pala buto ng kalabasa sinasabi nya. Kunsabagay mas madali kasi sabihin yung butong pakwan... pakwan naman dyan... masarap yun haha

Commando sa grocery. Hahaha kundi nyo alam ang commando itanong nyo na lang ke Arlene! Tamad ako magbihis eh. Kaya kung ano na damit ko, wala nang palitan yun pag nag grocery ako. Pero meron akong nabasa kung saan na asar na asar sya sa mga kagaya kong naka-pambahay sa mga mall. Malamang pangit yun. Kasi ako kahit gulagulanit damit ko mukha pa din akong yummy. Hahaha! I just don't care what ya tenk!

CDR-King. Eh mura mga cdr, dvd-r dun. Mga mouse ko dun ko binibili. May binili na din akong mp3 player dun, usb hub, phone charger na kinakabit sa usb, tsaka speakers.


Crash Bandicoot, Resident Evil, Burnout Revenge, Tekken, atbp. Kundi mo alam yan eh nasaang lupalop ka ba ng mundo nakatira? Lakas umubos ng oras nito, nakakapuyat pa.

Pisbol, isaw, betamax, adidas, atbp. Kakatakot na ngayon pero sige pa din.

Pendong! Hanggang ngayon nilalaro pa din namin to ng mga bata pag nasa byahe kami. Tuwang-tuwa si Kutoy pag sya nakakauna. If you don't know what pendong is, then you are not a Pilipino, and they don't like you.

Piracy. Sa panahon ngayon, kelangan praktikal ka. Bakit naman ako bibili ng pagkamahalmahal na pelikula eh isang beses ko lang naman panonoorin? Pero pakiusap lang po, wag naman sana ninyong tangkilikin ang mga pinaratang pinoy movies at OPM. Dito lang sila sa Pilipinas makakabenta, babawasan pa natin ang kita nila. Baka maubos ang mga artista, singers, producers, directors at writers natin pag nagkataon.

Mahilig akong mang-okray. Lalo na yung mga naglalakad sa mall na magkahawak pa kamay, na magandang babae pero yung kasama eh mukhang di papahuli ng buhay. Minsan nga eh napapasigaw ako ng "LIFE IS SOOOO UNFAIR!!!" Pero pati naman mga kasama ko sa opisina namin eh inookray ko din... harapan pa.

Mahilig akong manloko sa telepono. Yung mga di nakaka-alam ng number ko ang niyayare ko lagi. Pero matagal na din tong number ko na to (mula 1996 pa yata) kaya kokonti na talaga mga pwede kong lokohin. Napakadalang na mangyari to kaya talagang sinusulit ko pag may pwede akong lokohin. Kalimitan ang linya ko kunyare nagtatarbaho ako sa isang sikat na hotel (minsan motel pa ginamit ko) tapos sisingilin ko yung tinawagan ko ng malalaking halaga. Ay naku! Talagang hagalpak ang mga susunod na pangyayare. Subukan nyo minsan.

May ilang kanta din nina Bon Jovi, Christian Bautista, Madonna, Michael Jackson, Jay-R, JR Siaboc, Paolo Santos, Sugababes, PCD, Wham!, Whitney Houston at Yeng Constantino ako sa iPod ko. Kahit jologs mga yan, nasa ipod naman sila. Hehe!

The Misadventures of Maverick and Ariel! Kakatawa eh. Nung Linggo pinalabas yung mga previous episodes nila sa Ch7 eh. Kwela talaga si Mommy Elvie kahit ulit ulit ko na napanood.


Yan na lang muna. Nahihirapan na ko mag-isip at maghalukay ng mga bagay na gusto ko. madami kasing censored eh. Baka ma-ban ako dito sa blogspot. Magiipon muna ko ng lakas ng loob bago ko ilathala yung mga yun, siguro pag handa na kong mawalan ng mga kaibigan...

1 comment:

  1. hahaha papa japs... extra ako sa blog mo ah. Basta ikaw ang naka-commando, anyday is christmas day (jingle bells 2x, jingle all the way...) hahaha..

    ReplyDelete