Laro ng bata, nilalaro ng matatanda! Baril-barilan eh. Pero haytek naman. Ang mga gamit na baril ay mapagkakamalan mo na talagang totoong baril. Kumpleto pa sa gamit. Goggles, vests, knee pads, elbow pads, boots, bush hats, gloves, balaclava, pati military uniforms. Lahat yan para di ka masaktan.
Unang sabak ko sa ganitong laro kanina sa Fairview kasama mga kasamahan ko sa trabaho at mga kalaro nilang taga-doon sa site ng barilan. Masaya ang laro na to at di na ako nagtataka kung bakit madaming naaadik sa airsoft. Pisikal, challenging at exciting. Kailangang mo mag-isip kung pano didiskarte. Simple lang ang rules, safety first at honesty.

Tanghaling tapat nung nagsimula kaming maglaro at di pa man kami nakakapagsimula e tagaktak na pawis ko sa sobrang init. Kelangan pa mag-suot ng long sleeves para di masyado masakit pag tinamaan (tsaka syempre, para na rin di mangitim ang malaporselana kong kutis). May vest pa tsaka cover sa ulo kasama leeg tsaka tenga. Tapos goggles pa. Uggh! Ang inet! Lintek na yan! Adik masyado mga kasama ko!
Ganunpaman, tumakbo, gumulong, gumapang, lumuhod, dumapa, nagtaguan at nagkaputukan na sa tindi ng init ng sikat ng araw. Di na alintana ang kati na dulot ng mga dahon ng talahib. Naghahanap ng mga kalaban para mabugahan ng mga bala. At kailangan din magtago para di ka ratratin ng mga kalaban.
Iba-ibang scenario ang lalaruin. May mga objectives ang bawat round na kailangang matapos sa itinakdang oras.
Honor system dito. Di kagaya sa paintball na may naiiwang pintura ang mga tama ng bala, dito kelangang umamin ang tinamaan na. Kaya may tinatawag na zombie. "Patay" na dapat to pero rumaratrat pa din.
Maiisip mo din na para kang nasa giyera talaga. Maaaring ganito din ang pakiramdam ng mga militar na nasasabak sa mga engkwentro nila sa mga kalaban, bagamat wala kang mararamdamang takot dahil masasaktan ka lang naman kung tamaan ka ng bala.
Sobrang nakakapagod. Dahil siguro sa sobrang init ng panahon. Kaya dapat magdala ng madaming tubig at wag kung anu-ano ang ginagawa sa araw bago maglaro.
Laro nga ng mga bata ito. Mga batang isip! Haha!
O san ba next na giyera? Tara na daliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!
Sows. Sagwa naman kung nakapayong ka habang naglalaro ng airsoft di ba? Tsaka sa susunod, mag-roll on ka sa buong katawan mo para di ka masyadong pagpawisan. Won't let you down pa. Hehehe. :)
ReplyDeleteAy kainggit!
ReplyDeletebaka gusto nyo sumama sa next na giyera? gaganapin sa hindi pa masabing lugar upang di matunton ng mga kinauukulan =P
ReplyDelete