Showing posts with label Bacoor. Show all posts
Showing posts with label Bacoor. Show all posts

February 2, 2010

Ati-Atihan (Kuno)

Early on the last Sunday of January, I went out for my usual early morning jog. Usual...haha as if matagal ko nang ginagawa eh no? hehe pero one week pa lang talaga. But last Sunday, i went to a different place, kasi sawa na ko sa sementeryo dahil panay mga senior citizens at jologs ang nakikita ko dun. I went to Island Cove in Kawit.

I planned to shoot there to "test" the lens which i have been wanting for a long time already, which i finally, and painfully, got last friday teehee... So, i got Danica, put on my running shoes and off i went. Kaso when i got there, ayaw nila papasukin sasakyan ko. so ayun di ko din naman madala si danica sa loob dahil mahirap naman tumakbo ng may nakasabit sa leeg noh? in case you didnt know, tatawid ng tulay across a wide river yung island after the entrance, so medyo may kalayuan din ng konti and i didnt want to go back to get the camera naman. sooo tamad of me hehe.

Then after about 3 miles (naks! miles haha...eh 1 mile daw kasi yung jogging path, naka tatlong ikot ako. so 3 times 1 is 3! LOL!) umuwe na ko... pero after the binakayan bridge going into bacoor proper, hinaharang na mga sasakyan... nakupo! may parada for sure! inintay ko na makalingat yung mga bantay at derederecho na ko. malayulayo din yung iikutan ko noh... padating sa Banalo, stop na. Nagstart na ang parade at buong kalsada ang inoccupy. susme! perwizyo!

Then I realized na Sto Nino pala kaya bumaba ako dala si Danica and then fired some shots (hmmm camera lang eh, fired??) pero i was at the tail end of the parade. so i waited until makarating sa bahay para maiwan ko sasakyan at pagkababa ko takbo na uli ako hanggang sa unahan ng parada. literal yan, tinakbo from bahay to bayan. non-stop. bitbit ko si danica.

Sa parade may 2 lalaki on stilts, kiddie dancers and ate-atehan (kaya pala ganyan ang tawag kasi mga bading...nagkukunyare na mga ate ahaha). dun ko ito nakunan.





fish to the world,

May 17, 2008

Fiesta 2008

Fiesta pala dito sa min nung sang linggo, May 10-11. Kahit sobrang daming banderitas at mga banners na nagkalat sa kalsada, nawala pa din sa isip ko yun at nagtaka pa ko kung bakit ang ingay at nagising ako sa kasarapan ng pagtulog. Ang ganda pa naman ng panaginip ko tsk. Pagtingin ko sa labas, may mga kababaihang makukulay na nagsasayawan sa kalsada sabay sa tugtug ng mosiko. Kagaya ng mga to:

(Kinuha ko lang ang mga larawang ito sa Bacoor Town Fiesta 2008 ng walang pahintulot=inshort, ninakaw. Kaya pag nawala mga yan, pasensya na. Marami pang litrato dito)

Pagkakita ko pa lang sa mga nagsasayawan sa kalsada, isa lang ang naisip ko, "di kaya mamatay mga to sa heat stroke?" Napakainit ng panahon nun kasi. Kakaalis lang ni Bochok at di pa naman dumadating si Cosme. Sobrang init na nga, anlupit pa ng mga costume, pabalik balik pa mga sinasayaw nila sa kalsada, ang haba pa ng lalakbayin. Kita nyo naman, di na mga kabataan ang mga nagsasayawan. Nagalala lang naman ako. Mother's day pa naman nun.

Ayan Deb, may isa pa kong excuse kumbakit di ako nakapunta nung Sabado. Sarado kalsada eh.


fish to the world,