September 3, 2012

Sana Nakaabot

Pangarap kong tumakbo ng kwarentay dos kilometros. Para magawa ko yun, kinakailangan ng tutulong at magtuturo sa akin ng mga dapat at di dapat gawin kaya balak ko sumali sa The Bullrunner Dream Marathon na tatanggap lang ng anim na daang "Dreamers". Sa sobrang dami ng gustong sumali dito, bumagsak ang online reservation website nung Sabado nang dalawang beses. Kaya minabuti nila na ipagpaliban ang reservation kinabukasan na, araw ng Linggo upang magkaron ng pagkakataon na ayusin ang website.  Sa loob lamang ng tatlumput dalawang minuto ay napuno na ang slots!

Basahin dito ang anunsyo

Sana umabot ang reservation ko.


UPDATE:
di ako napasali. hmmfftt...

Waitlisted!

UPDATE:
Kasali na ako yehey!


fish to the world,

No comments:

Post a Comment