Sabi ko sa mga friends ko, pag naka sub-28 na ko sa 5K ako maglelevel-up to 10K. Nung nakaraang Linggo, May 22, sa Greentennial Run, lumabas na 27:20 ang time ko.
Pero.......
Nagdadalawang-isip pa din ako.
Sa 5K:
Maiksi lang. Mabilis matapos. So, maiksi pa mga pila sa mga post-race events.
Pero nakakabitin din minsan
Kadalasan konti lang naman ang difference sa reg fee vs. 10K.
Mas late ang gun-start vs 10K
Kadalasan din, mas kokonti ang mga reklamo compared sa mga longer distances pag hindi magaling ang race organizer
Kadalasan, hindi kailangan tumigil sa mga hydration stations dahil maiksi lang naman. Within 30 mins tapos na.
Mahigit isang taon na ko tumatakbo, 5K pa din ako.
Sa 10K:
Medyo mas mahaba. Mahigit isang oras na takbuhan. Mahaba na pila sa mga post-race activities.
Mas astig pakinggan pag sinabing nakatapos ng 10K
Kaya ko naman tapusin ang 10K, wala ako problema sa distance. Pero ang gusto ko kasi medyo respectable naman ang finish time ko. Sa tantya ko, kaya kong tapusin sa 1:15 hanggang 1:10 naman sa ngayon.
Saka ko na lang pagiisipan pa uli.
Kitakits sa Kalsada!
fish to the world,
No comments:
Post a Comment