medyo mabagal pa nung si tado pa lang ang nakasalang. kelangan siguro talaga na kumpleto sila. kasi pagdating pa lang ni ramon, nagsimula nang gumulo ang mundo ko sa loob ng kotse. at nung dumating pa si angel, eh karambola na talaga ako mag-isa.
feeling ko eh para akong nasa tambayan ng mga magugulo. parang ganun lang. para silang tumambay lang sa kanto dun sa tinio street.
potah talaga halakhak ko. lupet pantanggal ng stress to. pati kaluluwa mo tanggal haha.
try nyo din minsan kung nasa oto pa kayo ng bandang alas nuwebe ng gabi, makinig kayo sa 99.5 sa fm radio (oo buhay pa ang rt)...
eto sila o...

kung wala ka naman sa pilipinas, subukan mo lang sa website ng dwrt baka mapahagalpak ka din... siguraduhin mo lang na alas nueve sa pilipinas...lunes hanggang huweves. pwede din dito makinig. hanapin nyo na lang yung link sa dwrt 99.5
ang brewrats nga pala eh isang talk show sa fm radio. sila ay sila dj Ramon, dj Angel at dj Tado. Brew-Ramon Angel & Tado Show. Dati na magkasama si Angel at Tado sa TV Show naman na Strangebrew (Ang Show na may Tama) ang title, at dun nanggaling yung Brew.
Panext!
UPDATE: nilipat na sila ng timeslot to 6-9am
fish to the world,

sana di pa maging extinct brewrats..kung ganon welga aabutin ng rt kasabay ng sona hahahaah
ReplyDeletetama!
ReplyDelete