September 1, 2008

Tinag Ako Ni WATB

Tinag ako ni Wyatt, blockmate, kaklase, brod, kadorm, kaibigan ko mula nung nasa Elbi pa. Puro pagkain laman ng blog nya. Ayokong pinupuntahan yun kasi nagugutom ako, eh ayoko na nga kumain eh ang kulet nya pati sa RSS ko kumpleto lahat ng blog nya. Nagdadalawang isip ako kung papatulan ko ba tong tag na to kasi 3 lang yata ang kakilala kong serious na nagbablog. Kalimitan kasi ng kilala ko puro kaplog alam, tsk. Eh pito ang kelangan kong tayain. Nakuponaman WATB! Pero di ako makatulog kaya patulan ko na din. Tatayain ko na din kahit di ko kilala haha.

Mga Patakaran:

1. Lagyan ng link ang tumaya sa yo. (nagawa ko na)

2. Isulat ang mga patakaran na to sa blog mo. (eto ginagawa na)

3. Magsulat ng pitong bagay tungkol sa sarili mo sa blog mo, mga kakaiba, ibaiba. (gagawin ko pa)

4. Magtag ng pitong tao (gudlak sa kin di ba?) sa hulihan ng sinulat mo sa pamamagitan ng pagsulat sa mga pangalan nila at lagyan ng pandugtong (link! anubey?) sa blog nila. (gagawin ko pa lang din)

5. Ipaalam mo sa kanila na tinaya mo sila sa pamamagitan ng pagiiwan ng puna sa blog nila at pandugtong sa blog mo. (sana matuwa sila hehe)

O eto na pitong kawirduhan ko:

1. Apat ang mata ko, wala akong bibig.


2. Mutant ako. May sobrang nips ako sa katawan.


3. Yung hinlalaki ko sa kaliwang paa walang kuko. Natanggal lang pero tumutubo na uli. Gusto nyo ba ng litrato? Wag na.

4. Frustrated singer ako. Kaso muntik na kong barilin kaya di ko na tinuloy.


5. Dati akong miembro ng akyat bahay gang. Pero nabuwag na yung gang namin. Ayaw na ni Karbz, nasasakal daw sya.


6. Dati akong syokoy. 

Erebus, Bukanding at Usaro.

7. May anak akong syokoy.


Tinatag ko naman ang mga to:

Elly

Jan

Malditangstella

Dahon69

Midnight Rainbow

*tama na lima antok na ko...zzzzz



fish to the world,

No comments:

Post a Comment